Si Xandy ay bagong lipat lang sa Pilipinas. Sa bagong school, naiipit siya sa pagitan ng badboy at ng dreamboy. Pero hindi dito natatapos ang storya niya, may mahalagang bagay siyang tinatakasan. Nakasalalay dito hindi lang buhay niya, maging buhay ng bawat taong malapit sa kaniya.
Isang maganda ngunit naging bangungot na nakaraan. Buhay na puno ng magandang musika na sinisira ng nakakabinging ingay. Paano niya maaayos muli ang lahat? At ang pinakamahalagang katanungan: buhay pa kaya siya para maayos ang lahat at maibalik ang musika sa buhay niya?