POLY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANO (COMPLETED)
79 parts Complete "OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!"
Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko.
Bawat buka ng bibig ko ay nagagaya niya. Maging ang ginagawa kong kilos. Dang! Who the fuck is he?
"Susporsanto, anong ginagawa mo sa kwarto ng alaga ko?!" Si manang Perl ang yaya ko.
May dala itong walis at bigla nalamang ipinalo sakin.
"Aray ko manang ako to si Iziah--aray-teka lang huhu. Aray ko po! Aray ko huhuhu."
"Umalis ka rito! Lumayas ka magnanakaw!"
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay, kamuntik pa'kong habulin ni scotchy, ang aso ko.
"Ang gawapo sana kaso mukhang gwapo rin ang hanap." Rinig kong bulungan ng mga babaeng nakakasalubong ko sa paglalakad.
"Sabunutan ko kayo diyan mga bruha!" Nagsitakbuhan sila palayo habang ako ay naiinis na at naguguluhan sa mga nangyayari. Napasalampak ako sa gilid ng kalsada.
Napasabunot nalamang din ako sa buhok ko ng mapagtantong ako pala ang lalakeng nakita ko kanina sa salamin.
Akala ko prank lang pero hindi, dahil ang lalakeng gumagaya ng bawat galaw at pananalita ko ay ako rin mismo.
Paano ito nangyari?
Bakit ito nangyari?
Ano bang ginawa ko? bakit ako naging isang lalake?
"WAAAAAAAH! AYOKO NITO!"
_____________________________
My first ever POLYAMORY story. Not a professional writer din po kaya pagtyagaan niyo sana ang mga isinulat ko. Thanks in Advance.
ORIGINAL STORY PLEASE DON'T COPY!
Adult-Fiction/Romance.
Fantasy, Pinch of Horror
Above 18+