"Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkaganyan. Naiintindihan kong nasaktan ka nang sobra. Kaya pinangako ko sa sarili ko na Tutulungan kitang makabagon at maka-usad sa buhay. But you see? Imbis na maiahon kita, pati ako nalugmok na. Kaya please lang Jonathan, hayaan mo na ako. Hindi lang naman to para sa akin e. Para to sa ating dalawa." Alam ko kasing hindi mo kaya, kaya ako nalang ang gagawa. I'm letting ourselves to be free for all of this fuss. Baka kapag nawala na ako sa buhay mo e magbago ka. Matuto kang tumayo sa sarili mong paa. And when that day come, sana ako pa rin. Sana ako pa rin ang nasa puso mo. Kasi ako, sigurado akong ikaw pa rin hanggang dulo. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Pero saglit lang dahil napalitan agad ng lungkot. Alam kong napaisip ko siya. Masakit. Pero alam ko sa sarili ko na tama itong ginagawa ko. Para ito sa aming dalawa. Para sa akin na nakalimutang mahalin ang sarili at para sa kanya na nakalimutan kung sino talaga siya. "Sige." Lumuluhang sabi niya