Ang lahat ng ito ay isa pa ring misteryo. Hindi ko alam kung dapat ba itong tawaging regalo o sumpa. Bagaman nakikita ko ang lahat ay wala akong magawa. Nakakatakot. Nakakalungkot. Ngunit gagawin ko ang lahat ng aking makakaya. Para matulungan ang nangangailangan, para protektahan ang nasa kapahamakan. Gagawin ko ang lahat, kahit kapalit man nito ang sarili kong buhay.