The Charmings and The Wicked Stepsister (Complete)
20 chapitres Terminé Sariwa pa kay Mariquit ang pagkabigo niya sa pag-ibig nang makilala niya si Tutti Madrigal. Halatang interesadong-interesado ang guwapong binata sa kanya ngunit hindi niya magawang i-entertain man lang ang ideya sa kanyang isip. Matindi pa rin ang paghahangad niya na bumalik sa kanya ang kanyang dating nobyo.
Tutti seemed perfect. Masarap titigan ito at magagawa niya iyon buong araw dahil sa gandang lalaki nito. Mayaman ito ngunit hindi mayabang o maramot. Mahusay itong kumanta at tumugtog ng gitara. Hindi ito nakakabagot kausap. Napapabilis nito ang tibok ng kanyang puso. May mga pagkakataon na natatagpuan niya ang kanyang sarili na kinikilig dito. Naipaparamdam nito sa kanya na espesyal siya. Kung tutuusin, wala na siyang hahanapin pa sa isang lalaki.
But he was like a fantasy, a prince from a fairy tale. Mariquit wanted reality. Plus, she was not a princess, she was the wicked stepsister to Ella, ang anak ng namatay na pangalawang asawa ng kanyang ina at tila may interes din kay Tutti.
May posibilidad ba na makuha niya si Prince Charming kung may asungot na Cinderella?