Naniniwala ako na si Destiny na ang bahala, siya ang masusunod sa
lahat kasi kaibigan ko siya eh, 'di joke lang. Si Destiny na medyo magulo minsan at nakakainis pero wag ka sa kaniyang magtampo dahil may nakaplano na rin naman yan sayo at balang araw magpapasalamat ka pa sa kaniya.
Katulad ko, na gusto ko ay masunod yung gusto kong mangyari, na masayang buhay simula nang pagkabata hanggang pagtanda,pero wala eh pinagtripan ako ni Destiny.
Bata palang ako feel na feel ko na malaya ako, may nakilala ako noon na lalake na nakilala ko sa park, grabe nabihag niya si puso ko, gusto ko pa sana siyang makakwentuhan at makilala kaso ,wrong timing 😪, may pasok pa ako nun kaya tumakbo nako dahil malate na'ko, gusto ko pa ngang magpaalam sa kanya nun pero di ko na nagawa, at mismo nung araw na yun ay na kidnapped ako. At dun nagbago ang lahat na ayoko namang mangyari, "Pero sana balang araw ay magkita ulit tayo,at Sana maging mabait na si Destiny 😊".