Sa lahat na lang ng bagay siya yung naalala ko. Sa pusa kong si Doggie (Oh diba ang tanga ng pamgalan niya? Siya yung nagpangalan nun eh!), sa baso namin— I mean baso ko na galing pa sa Coca-Cola, sa mga tissue na sinisingahan ko tuwing naiyak kapag naalala ko siya, at masgi sa panty kong parang nginatngat na ng daga! OO GANUN KO SIYA KAMAHAL! Pero iniwan niya ako eh. Pinilit kong lumaban pero siya na yung bumitaw. Pinagtulakan niya na ko eh! Walangyang gago yun!