
EPILOGUE Isha's POV Nagising ako sa isang madilim na lugar. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa isang silid ako at ni isang bintana wala akong makita. Tanging isang pinto lamang ang nakikita ko. May narinig akong yapak na papunta sa kinaroroonan ko kaya nagpanggap akong walang malay. "Boss wala paring malay eh. Yes boss. Sige boss dadalhin ko na sya dyan. Yes boss ihahanda ko na ang sasakyan" Ani nya at umalis na Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong kaso baka marinig nila ako. Natatakot ako sa kung anong pwede nilang gawin. Kailangan kong makahanap ng paraan para makaalis sa lugar na to. Sigurado akong nag aalala na si lola. Wala akong ibang nagawa kundi mapaiyak nalang. "Diyos ko tulungan nyo po ako" Yan lang ang salitang paulit-ulit kong binabanggit. Natigil ako sa pag iyak nang marinig kong bumalik ang sya. Nagpanggap ulit akong walang malay. Taimtim lang akong nagdarasal sa aking isipan. Naramdaman kong kinarga ako ng lalaking may kausap sa telepono kanina. Kinakabahan man hind in nalang ako nanlaban sa takot na baka Patayin nila ako. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng ipinasok nya ako sa loob ng isang sasakyan at pinaandar ito. O diyos ko parang awa mo na tulungan mo ako. Tahimik lang akong umiiyak upang hindi nya ako mapansin. Sinilip ko kung nasaang lupalop na kami ng Pilipinas at labis akong naghinayang nang makita ang sobrang dilim na paligid. ------ Thanks for reading 😘Alle Rechte vorbehalten
1 Kapitel