Sa kagustuhang mailayo sa kapahamakan ang natitirang mahal sa buhay, napilitan si Paula na sumunod sa gusto ni Wilbert. Akala niya ay wala na siyang pag-asang makatakas pa pero dumating ang isang knight in shining armor niya sa katauhan ni Miguel. Lahat ay ginawa ng binata para protektahan siya kahit pa hindi siya nito lubos na kilala. Now she didn't know kung kasusuklaman ba niya ang tadhana dahil sa problemang ibinigay nito sa kanya o pasasalamatan pa niya ito dahil ito ang nagdala kay Miguel sa buhay niya.