"Joanna" Tawag ko sa kaibigan ko. "Totoo bang masayang ma-in love?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Oo, naman. Kaya nga maraming nagpapakatanga dahil sa pag-ibig. Kasi alam nilang sasaya sila dahil dito." Siguradong sagot ng aking kaibigan. Kung ganuon gusto kong umibig. Gusto kong maramdaman kong paano sumaya. Pero sino naman ang mamahalin ko? Hanggang sa nakilala ko siya. Sa isang iglap kaya niyang paibigin ang lahat. Paano? Perpektong hitsura, pangangatawan, talino at yaman. Yuon ang dahilan. Lahat napapaibig niya. Sa isip ko baka mapaibig niya din ako. Kaya naman sinubukan ko siyang mahalin. Para siyang bagyo sa gitna ng tag-init. Hindi inaasahan. Walang may alam na dadating siya. Akala ko ang ulan niyang dala ang magdidilig sa mga halamang natuyo ngunit mali ako. Sa isang iglap inubos niya lahat ng halaman gamit ang malakas niyang hangin. Mali ako. May nakalimutan akong itanong sa aking kaibigan. "Masasaktan ba ako kapag umibig ako?"