WARNING!!! STILL EDITING!!! "I wrote a hundred of letters to prove my love for you" Ika-labing apat na araw ng buwan ng Pebrero, taong dalawampu't labing walo nang una kang nasilayan. Tila binuo mo ang aking araw at binigyang kulay ang mundo kong sinakop ng kadiliman. Hindi pa man kita kilala ngunit paano mo nagawang pangitiin ang aking mga labi at paabutin ito hanggang tainga sa pamamagitan lamang ng matamis mong mga ngiti? Ngunit ilang taon na ang nakalipas, ilang daang tula at liham pa ba ang kailangan kong isulat upang mabaling naman sa akin ang 'yong nararamdaman? Maaari pa bang mangyari na ako'y naisin mo rin o hanggang dito na lamang ako talaga at hayaang pagmasdan ka mula sa malayo?All Rights Reserved