Alam niyo ba na halos 100 panaginip ang napapanaginipan natin sa isang tulugan lang? Pero isa o dalawa lang sa mga ito ang natatandaan natin. Panaginip. Pag maganda, madalas nasasabi natin "Sht naman! Bakit pa ko nagising! " Pag pangit, "Woah! Buti na lang panaginip lang! " Pag maganda ang panaginip ng isang tao, madalas nagigising sila agad at nabibitin. Pag nabibitin, ayun! Pinipilit matulog ulit para maituloy. Pag pangit, Sign of the cross. "Thank You Lord ginising mo ko! " tapos di na ulit matutulog. Pero para saan nga ba ang panaginip? Bakit kelangan natin managinip? Bakit tayo kelangan paasahin?