유♥웃
Dear, Killer
Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon ang puso ko sa KABA? Nanginginig ang mga kamay ko sa TAKOT? At kinikilig ako sa NERBYOS?! Dahil sa wakas! Sumulat kana din sa akin! Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.
Syangapala, salamat sa Patay na Daga na pinadala mo sa akin. Naiisip ko tuloy na katulad ng patay na daga, ganun ka din kapatay na patay sa akin. Uhh, ang sweet mo talaga!
Pero sana Red ko, pag nagpadala ka ulit ng love letter, lagyan mo naman ng heart ang YOU'RE DEAD! para kiligin naman ako. Palitan mo rin ang I HATE YOU sa I LOVE YOU.
Wag ka rin masyado maglambing sa akin, baka mabasa ng parents ko ang I'LL KILL YOU na sinulat mo, strict pa naman sila.
Daan ka lang sa bahay, Ok? Dala ka na rin ng kandila, para pagkatapos mo akong patayin, ipagtirik mo na rin ako para Romantic!♥
May nakalimutan pa ba ako? Oh! at saka I love you Red ko, mag date na lang tayo sa impyerno♥
Lubos na nagmamahal
Tippy.
(Ang Love Story na Pamatay Sa Kilig.)
Read and You'll die
I'm warning you
Yan ang nakasulat sa cover ng notebook.
Napahagalpak ako ng tawa. Parang diary ata 'to. I'm not sure though. Di naman ganito yung mga cover ng nakasanayan kong diary.
Mamamatay ako pagbinasa ko 'to? May namatay ba sa pagbabasa? Nabaliw guro baka maniwala pa ako. Kalokohan!
Napahigpit ang hawak ko sa diary habang nagbabasa. Sana di ko nalang binasa. Sana di ko nalang pinakialaman. Pinagsisihan kong nagpailalim ako sa curiosity. Dahil sa unang pahina pa lang...
Natatangang napatingin ako sa kisame. Ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko. Ramdam ko ang pagsisikip ng dibdib ko. Kahit wala akong dibdib.
Unang pahina pa lang...para na akong namatay sa nabasa.
Sana nakinig ako sa warning mo. Sana! Apakapangit kabonding ng may ari ng diary! Saksak ko sa baga niya 'tong diary, eh!
Read and You'll Die
I'm warning you
By: DearLoven