10 parts Complete This is not written the way that a normal wattpad story is written. It is written in a third persons POV. This is a story about best friends who fell in love deep with each other and found out later. It's a story of decision making, are you going to cross the line or stay as friends. You may also find it as a story of courage.Plot
They are very
good friends, Athena and Rodniel. Sa kabila nang impresyon nang dalaga na
mayabang ang huli ay nagkapalagayan din sila nang loob. Nagkakilala sila sa
university kung saan sila parehong nag-aaral, kung gaano kaseryoso ang dalaga
sa pag abot nang mga goal nito sa buhay ay eksaktong kabaligtaran niyon ang
kaibigan. Hindi naman sinasadya ang pagiging malapit nila sa isa’t isa,
nagkataon lamang na nang umibig ang una sa kanyang itinuring na matalik na
kaibigan at nasaktan nang labis sa paglisan niyon ay si Rodniel ang naging
sandalan niya, ang naging iyakan niya at walang sawang nakikinig sa kanya kahit
para siyang sirang plaka.
 
            Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa
ay karamihan sa mga kakilala nila lalo na sa ROTC unit ay tinutukso na silang
dalawa. Ang biro pa nga ni Athena ay mayroon nang fans club ang ‘loveteam’
nila. Ano ba ang nakikita nang mga ito sa kanila sa tuwing magkasama sila para
bigyan nang mga ito nang malisya ang pagiging malapit nila? Tama ba ang
sinasabi nang mga kaibigan nila na higit pa sila sa magkaibigan? Paano kung
pareho naman silang may sariling buhay sa labas nang kanilang pagkakaibigan? At
pareho silang taken? Lalo na nga at playboy naman talaga si Rodniel?