I had a crush on this guy for so long. Pag lalandi na nga ba kung malapit ka sa crush mo? Kasi para sakin para-paraan yon e. But what a sad thing to think that: hanggang kaibigan nalang ba talaga kami? Am I forever "Stuck in a Friendzone" Aamin pa ba ako sakanya kung alam ko na sa sarili ko na hanggang kaibigan nalang ang turing nya sakin? Pero pano pag umamin ako sakanya ay bigla nya akong layuan? Pero sa totoo lang pinaparamdam naman nya sakin na parang gusto nya rin ako. Susugal ba ako o hihintayin ko nalang na sya na unang umamin? Nakakatawang isipin na dati ay gusto ko lang syang maging kaibigan. Pero ngayong kaibigan ko na sya ay parang gusto ko na nang higit pa sa kaibigan lang.