Isang araw nung umuulan May isang lalaki ang lumapit sa aking kinalalagyan May dalang payong na siyang iniabot sakin Ito'y matangkad,maputi at singkit na may suot na salamin Ang kanyang pagdating ay biglaan,ang kanyang pag-alis ay kay bilis din Hindi ko man lang natanong ang kanyang pangalan Hindi niya man lang hinintay ang aking sasabihin Bigla na lamang siyang umalis at naiwan akong nakatayo habang hawak-hawak ang payong na bigay niya sa akin.