Palagi mo bang natatanong sa sarili mo kung "Ano bang kulang sayo o "Ano bang meron sa kanila na wala sayo?" Well, well, well Jana Marie Remero is one of you. Isang college student na hindi malaman kung anong dahilan kung bakit kadalasan sa mga lalaking gusto niya eh iba ang gusto. O sa mas nararapat na ibig sabihin ay hindi siya gusto. Ano nga ba kasing kulang sa kanya? Eh isa lang naman siyang madaldal na palamurang hindi mahinhing babae pero may takot sa diyos hindi nga lang nila alam. Sa palagay niyo? Babaguhin niya ba yung sarili niya para lang magustuhan ng iba o may darating na isang taong tatangapin siya kahit gano pa siya magmura? Halina't subaybayan kung pano matatagpuan ng isang dalaga ang pag-ibig na hindi magkatagpuan