pumasok si Namjoon sa isang madilim na kwarto. bumungad sakanya ang kanyang ama at anim pang ibang lalaki na sa tingin nya ay kasing edad lang ng ama nya, kasama pa ang anim na binatilyong kasing edad naman nya. "sya na ang kikilalanin nyong pinuno dito sa organisasyong ito" at iyon ang nakapagpabago sa buhay ng isang Kim Namjoon.