“Kung kinakailangang ipaglaban kita sa pamilya mo gagawin ko. Handa akong patunayan sa kanila na kaya kong ibigay ang pagmamahal na hinding-hindi kayang ibigay sa iyo ng iba. Alam kong hindi ko kayang pantayan ang yaman ng pamilya mo pero kaya kong higitan ang pagmamahal ng kahit na sinuman sa iyo. Mawala na sa buhay ko ang kahit ano pero wag ang ikaw. Ikamamatay ko kung mawawala ka pa ulit sa akin.”
Aleia came from a rich family pero kinailangan niyang umalis para takasan ang pamilya niya at para na rin hanapin ang nawawalang piraso ng pagkatao niya. Namasukan siyang kasambahay sa tulong ng kaibigan niya at doon niya nakilala si Caijin. Isang pasaway na doktor at bassist ng isang banda na walang ibang alam gawin kundi asarin at pagtripan siya sa araw-araw niyang paninilbihan doon. Ano kaya ang magagawa ni Caijin para maging buo na ang pagkatao ni Aleia kung lagi naman siyang pinapowertrip nito?All Rights Reserved