"Kung pagmamahal ang nagdulot ng sugat, pagmamahal din kaya ang gamot? Paano babaguhin ng mga pagkakataon ang tagna* sa palad na nilikha ng panahon?" Kilala bilang mahusay na news and public affairs researcher si Allen. Ilang istorya na niya ang nagwagi, dahilan upang pag-agawan siya ng lahat ng mga producer at iba't ibang shows. Naging pamantayan siya ng mga researchers pagdating sa pagkalap ng scoop. Sa mata ng maraming tao ay nasa kaniya na ang lahat ng maaari niyang makuha. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay may parte pa rin sa puso niya na hindi masaya - na may siwang na hindi pa rin napupunuan. Ang nakaraan ni Allen ay parang mga anino na kahit anong liwanag niya ay hindi mawawala. Ang mga aninong ito ang dahilan ng mga sibat na paulit ulit sumusugat sa pagkatao niya. Idagdag pa ang pagkawala ng kaniyang matalik na kaibigan na siyang kaisa isang naniniwala sa kaniya, paano pa siya lalaban? Sa pagbabakasakaling makahanap ng sagot sa mga tanong na maaaring makatulong sa kaniyang pagsuong sa mabibigat na mga kaganapan sa kaniyang buhay, tinangay siya ng kaniyang mga paa sa isang bayang malayo sa kinagisnan niyang buhay - sa isang bayan na punong puno ng pagmamahal. Sa puting buhangin ng bayang ito, makakadaupang palad niya ang isang estrangherong tila may baong sagot sa kaniyang mga tanong. Ito na kaya ang tugon sa mga patlang na bubuo sa puso niyang may puwang? Ang estranghero ba at ang bayang ito ang magiging daan sa paghilom ng mga sugat niya? Mabibigyang kulay kaya ng kaganapang ito kay Allen ang kahulugan ng mabuhay? *tagna - kapalaran
5 parts