SYNOPSIS Hindi naniniwala sa kung ano mang elemento o kakatwang bagay si Delifico Fudoshiko, ngunit hindi niya akalain na mai-experience niya 'yon sa mansion ng mga Montanez, kung saan nakatira ang girlfriend niyang si Julie. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng matinding hilakbot simula nang makilala niya ang step-sister ni Julie, si Sandra Montanez. Hindi niya akalaing makikita niya pa ang babaeng hinostage niya nang gabing masukol siya ng mga pulis at ang mas kina-iinis niya ay takas pala ito sa mental. Sa bawat araw na nagdaan unti-unting lumalalim ang interes niya na malaman kung ano ang tinatago ng mansion Montanez, lalo na nang mabalitaan niya ang pagkawala ni ina at kambal ng dalaga sa 'di malamang kadahilanan. Natagpuan na lang niya ang sarili na tinutuklas ang pagkatao ni Sandra.... at ang pagnanais niya na mapalapit dito sa kabila ng kalagayan nito. Ngunit bakit sa bawat oras na nakikita niya ito ay may pakiramdam siya na hindi totoo ang pinapakita nito? Nakikita niya sa bawat kislap ng mata nito ang tinatagong sekreto...... at 'yon ang gusto niyang alamin..