Ano nga ba ang pag-ibig? Ano bang pakiramdam kapag naramdaman mo na ito? Papaano mo ba malalaman kung natagpuan mo na ito? Saan ko ba mahahanap ito? Masasabi mo bang in love ka na kung love at first sight? Eh, kung second sight kaya? Ano naman gagawin mo kung nahanap mo na nga ito? Ipagtatapat mo ba o tatahimik ka na lamang? Paano kung babae ka? Papaano mo maipaparamdam ang nararamdaman mo? Paano mo ipapaalam sa kanya ito? Ang tanong, tatanggapin ka ba niya kapag ipinagtapat mo ang nararamdaman mo? At ako si Rachel, isang NBSB. Samahan niyo ko sa aking paglalakbay tungo sa mundo ng hindi ko maintindihang pag-ibig.