1899, ito ang taon kung kailan naitatag ang unang republika ng Pilipinas. Ang panahon kung saan mapupunta ang manunulat na si Mia Quintos, sa katauhan ng isang dalagang nagngangalang Emmanuela, upang tuklasin ang katotohanan sa likod ng kuwento na matagal nang naisulat sa ating kasaysayan. Sa kaniyang pakikipagsapalaran, unti-unti na niyang nailalahad ang mga lihim na nakakubli sa madugong nakaraan ng ating bansa. Mas marami na rin siyang nalalaman sa tunay na kalagayan ng mga tao noon dahilan upang manganib ang buhay niya. Ngunit, magiging ligtas ba siya sa piling ni Mariano Aguinaldo? Paano kung bigla ring dumating ang Amerikanong si Leonardo? Ito ang kuwento ng bawat Pilipino... Samahan ninyo si Mia habang muli niyang isinusulat ang kasaysayan ng Pilipinas.