Naging malaking desisyon ang paglipat ko sa probinsya ng Nueva Ecija. Pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko pero napagtanto ko na tama lang pala dahil nakilala ko siya, inakala kong normal lang siya na tao pero hindi. Hindi ko akalain na 'yong pinapangarap ko noon ay naging totoo. Napakaimposible. Nagbago ang buhay ko nang makilala ko siya. Ang dating tahimik, naging magulo. Palaging nasa kapahamakan ang buhay ko pero palagi siyang nandiyan para iligtas ako. Pinili niyang ipaglaban ako kahit na nahihirapan siya. Pinili niya ako sa lahat ng pagkakataon. Handa rin akong lumaban para sa kaniya. Handa akong gawin lahat para sa kaniya dahil mahal na mahal ko siya... Kaya iniwan ko siya para maging ligtas siya... Pero hanggang kailan ko kaya matitiis ang sarili ko na huwag nang bumalik? Hanggang kailan ko makakayanan? At kung babalik pa ba ako ay magiging maayos na ang lahat para sa amin? Tingnan natin... Inspired by Twilight Saga