Sa mundo ng mahika na kung tawagin ay Valderia ay nananahanan ang mga nilalang na kilala bilang mga lobo at bampira. Kahit na mortal na magkaaway ang dalawang panig ay nagkasundo sila sa paglaon at pagkumpas ng mahabang panahon. Tumigil ang alitan ng dalawang panig at ang lahat ay namuhay nang payapa't matiwasay. Walang away. Walang gulo. Walang digmaan. Subalit ang kapayapaang iyon ay dagliang nagwakas nang isang panibagong nilalang ang gumulantang sa kanilang lahat. Isang nilalang na higit na mas malakas at higit na mas makapangyarihan kaysa sa kanilang lahat. At ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi ay ang nilalang na naging banta sa kanilang mga buhay. Ang mga mangkukulam. Dahil sa higit na mas makapangyarihan ang mga ito kaysa sa kanila ay nakaramdam sila ng takot. Takot sa mga maaaring gawin ng mga ito laban sa kanila. Kung kaya't dala nang labis na pangamba't ganid sa kapangyarihan ay nagkasundo ang mga lobo at bampira na tapusin ang angkan ng mga mangkukulam. Tinugis nila ang mga ito at isa-isang sinunog. Kahit na anong pakiusap at pagsusumamong gawin ng mga ito ay hindi nila pinakinggan at walang pag-aalinlangan nilang pinaslang. Subalit ang huling mangkukulam na pinatay nila ay nag-iwan ng isang sumpa na siyang naging dahilan upang lahat sila ay mabahala. Sumpang siya'y magbabalik at maghahasik ng lagim at lahat ng nagkasala sa kaniya't sa kaniyang mga kauri ay kaniyang pagbabayarin. At dahil sa sumpang iyon ay nilamon ng takot at pangamba ang mundong kinagagalawan nila. Huli na nang mapagtanto nila na ang mangkukulam na iyon ay ang mangkukulam na siyang higit na kinakakatakutan ng lahat ng mga mangkukulam sapagkat ito at tanging ito ang kahuli-hulihang lahi ng mga itim na mangkukulam. At ang kaniyang pangalan dala ng kaniyang sumpa sa buong sanlibutan ang siyang tumatak sa isipan ng buong sangkatauhan. Siya ay walang iba kung hindi ay si Aurora. . . Ang nag-iisang pinakamakapangyarihang mangkumulam sa mundo ng Valderia.
More details