Meet Faqueza Fae Alba, isang pilya, mapagmahal, maalalahanin, mapagpatawad, masiyahin, makulit, history lover at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.
Ang tanging nais lang niya sa buhay ay ang maranasan ang magmahal at mahalin nang taong iniibig niya.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon makikilala niya ang lalaking babago sa buhay niya. Siya si Elonzo Enrico Sanchez, isang History Teacher, Soccer Coach sa Santa Alicia La Academia sa San Nicolas. Ang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig. Para sa kaniya 'Love is for the weakest.'
Posible kayang matagpuan ni Faqueza ang hinahanap na pagmamahal mula kay Elonzo? Posible rin bang tumibok ang puso ni Elonzo kay Faqueza?
Paano kung nakilala niyo na isa't isa noon pa man? Pero dahil sa muling pagsulat ng tadhana, dahil sa nangyaring trahedya noon ay naging komplekado ulit ang muli niyong pag-iibigan? Paano kung may nakatakdang pumatay pala kay Elonzo para muli siyang ihiwalay kay Faqueza? Ano nang mangyayari sa istorya nila? Would it have a happy-ever-after ending? O mauulit muli ang mga nangyari noon?
Ano rin kaya ang magiging papel nina Hermosa Villafuerte-Fuentes at ni Sergio Fuentes sa pag-iibigan nila Faqueza at ni Elonzo? Sila kaya ang maging sagot para mabigyan ng magandang wakas ang naudlot nilang pag-iibigan?
Sino si Felicidad at Esteban? Ano ang kaugnayan nila sa ating dalawang bida?
Yan ang ating aalamin...
Lo Siento, Te Amo (Self-Published under Taralikha)
38 parts Complete
38 parts
Complete
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category"
Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama.
Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo?
Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig?
Started: December 31, 2020
Completed: August 9, 2021