Ang Kuwento Nating Dalawa
Hindi ko alam kung paano sisimulan,
Paglalahad ng kwento nating dalawa,
Na may dulot na tamis pati na rin pait,
Pero mas lamang ang dulot nitong sakit.
Nang unang makilala ka'y parang isang panaginip,
Dahil sa presensya mo, puso'y tumatahip,
Ngiti sa mga labi ko'y para nang nakadikit
Lalo na ng iyong sabihin, "Ikaw'y mahalaga sa akin."
Dahil sa iyong matatamis na salita,
Pag-aagam agam aking kinalimutan,
Inisip na lamang na minsan kailangang puso'y sumugal
Upang kaligayaha'y aking makamtan.
Naaalala ko noon na tayo'y kay saya
Nang sambitin ng mga labi ang dalawang letra
Tumalon ka pa nga't niyakap ako ng kay higpit
Sinambit sa akin, "Hindi ka magsisi"
Lumipas ang mga buwan sa una'y masaya
Ngunit alam nating di na tayo tulad ng una
Wala na ang mga ngiti, wala na ang tamis
Natira na lamang ay isang libong hikbi.
Sabihin mo sa akin, "Ano ba aking pagkakamali?"
Bakit bigla bigla na lamang nanlamig?
Ni ha ni ho, kamusta ka ay wala nang naririnig
Mula sa mga labing nagsabing, "ikaw'y mahalaga sa akin"
Sa ganun na nga lamang ba magwawakas,
Ang paglalahad ng kuwento nating dalawa,
Na puno noon ng tamis at ngiti
Ngunit pagkalao'y napuno ng pait.
Ayoko nang muling umasa pa,
Na ang kwento nati'y may ililiwanag pa
Inisip na lamang na isa iyong pakana
Ni Kupidong sadyang kay daya