Ang hirap pala pag ikaw na lang yung nastuck sa past... Yung tipong lahat sila nakamove on na, ikaw na lang ang hindi... Yung sila may tinatawag ng present ikaw bumabalik parin sa past at nangangarap pa rin sa future... Kakaisip, habang nananiginip lahat ng pangarap mo nanatili na lang na pangarap... Kelan kaya dadating yung time na gugustuhin ko ng gumising para harapin yung 'ngayon'? Dadating pa kaya yun? O panghabang buhay na lang ako makukulong sa magkahalong lungkot at saya ng nakaraan at hinaharap habang tinatakasan ang sakit at pait ng ngayon...