"Mahal kita! Kahit ano ka pa, kahit na sabihin pa nilang mali tong nararamdaman ko dahil nagmahal ako ng bakla.. " "Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan mo sakin.. Bakit ako pa? Ang daming totoong lalaki ang nagkakagusto sayo.. ako parin ang pinili mo.. " "Minahal kita.. at hanggang ngayon ay mahal parin kita.. Alam ko para sayo lahat to ay pagpapanggap lamang.. Pero para sakin totoo lahat.. totoo lahat ng pinakita ko at hindi yon kasinungalingan.."