Sa aking pluma at kuwaderno magmumula
Mga salitang binubuo ng aking diwa
Sa aking pusong nag-aalab na lumikha
Binabalangkas ang mga SIMPLENG TULA .
📝 Poetry
Mga salitang di mabigkas
Kaya pilit na tumatakas
Mga salitang di masabi
Tinatago nalang sa paghikbi
Mga salitang di magawa
Aking idadaan sa tula
Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila
Lahat ng ito'y aking nailathala
[Poetry]