Ano nga bang maaasahan mo sa baha? Isang babae na tahimik lang sa klase, matatapat sa sobrang ingay at makulit na lalake? Ano kayang mangyayari sa storya nila Aly at Mike?
Hope you guys will enjoy the story :)
xox.
-KC
Credits to the owner of the picture I used for my cover.
Masungit kung tawagin ng iba pero ang totoo ay hindi naman talaga, hindi nanamansin, walang kaibigan, gustong mapag-isa, ilan lang yan sa mga nakikita ng iba sa kanya pero nagkakamali sila dahil ang katotohanan ay hindi sya ganong tao. Pinipili nya lang ang mga pinapakitaan nya ng kanyang tunay na ugali kaya siguro nasasabi ng iba na ganun sya ay dahil hindi nya sila pinapakitaan ng kanyang totoong pag-uugali kumbaga hindi nya pinagkakatiwalaan ang mga ito.
Mabait syang tao, mapagmahal sa pamilya, mabuting kaibigan, maasikaso, masipag at palangiting tao na halos di mo na nga mapapansing may problema sya dahil lagi syang masaya. Magaling syang magtago ng nararamdaman kaya akala ng iba kung ano ang pinapakita nya ay yun ang totoong ugaling meron sya pero nagkakamali silang lahat dahil ang binansagan nilang masungit ay isang soft hearted.