Highest Rank: #2 in Hopeless #2 in Spiritual Si Renzi ay isang uri ng dalaga na matayog ang pangarap. Ang simple at payak nilang pamumuhay ng kaniyang ama na siyang trabahador sa minahan ang nag-udyok sa kaniya upang mag-aral ng husto sa likod ng salat nilang kabuhayan. Naniniwala siyang makakamit niya ang kaniyang mga pantasya sapamamagitan ng edukasyon. Sa bayan ng Kroza kung saan sila naninirahan ay punong-puno ng diskriminasyon hindi lamang sa kayamanan at kapangyarihan kundi pati na rin pananaw. Parte na ng pamumuhay ng nasabing bayan ang pagkakaroon ng guhit sa pagitan ng nakakaangat at salat sa kayamanan. Kung ikaw ay mayaman ay may pribilihiyo ka na hamakin ang iyong nais hamakin. Ang batas ng Kroza ay nakabatay sa kumpas ng palad ng mga opisyal. Kung ikaw ay dinakip at ang hatol mo ay kamatayan, pagtanggap ang mabisang kasagutan. Ano nga ba ang magagawa ng pagtutol kapag nakatutok na ang malamig na dulo ng baril sa iyong sentido. Habang binabaybay ng dalaga ang daan patungo sa kaniyang pangarap ay hindi niya akalaing magwawakas ito agad. Sa araw ng anibersaryo ng kamatayan ng kaniyang ina ay ipinahiya siya ng kaniyang guro sa bayan. Sa likod ng masukal at ilang kilometrong lalakarin pauwi sa kanilang mumunting kubo ay nagawa niyang suungin ito nang may determinasyon at positibong isipan. Hindi niya akalaing sa mismong araw din na iyon ay sumunod ang hagupit ng limpak limpak na trahedya. Dinakip silang mag-ama sa akusasyong sila ay parte ng grupo ng mga kulto. Bali-balita na ang hari ng kulto ang kumuha at pumatay sa birhen na anak ng alkalde upang gawing alay sa isang ritwal. Nadiin lalo ang mag-ama nang ituro ang kaniyang ama na ito mismo ang hari at pinipiit silang pagsalitain sa lokasyon ng mga kulto. Pinalaya siya kapalit ng publikong paglilitis at sa kagustuhang iligtas ang kaniyang ama, nahanap niya ang isang pag-ibig na hindi niya matukoy kung lason ba ito o gamot sa katauhan niya.
9 parts