41 parts Ongoing MatureSYNOPSIS
Noong sinaunang panahon, ang batas ng kalangitan ang pinakamataas na kapangyarihan. Sa iisang kontinente namuhay ang tatlong uri ng nilalang ang mga primordial beings, mga dios at diosa, at ang mga Dyablo. Dahil sa agawan ng teritoryo, sumiklab ang digmaan. Upang pigilan ang ganap na pagkawasak, hinati ng kalangitan ang lupain at nagtakda ng hangganan para sa bawat isa.
Sa kabila ng kautusan, nag-alyansa ang mga dios, diosa, at Dyablo at lihim na nilipol ang mga primordial beings hindi dahil sila'y masama, kundi dahil sa kanilang papel sa pagpapanatili ng balanse. Ang gawaing ito ay tahasang paglabag sa batas ng kalangitan.
Bilang kaparusahan, pinalayas ang mga dios, diosa, at Dyablo mula sa mundo ng pinagmulan, at ang kanilang impluwensiya ay naiwan sa mortal na daigdig sa anyo ng mga labi ng kapangyarihan at sinaunang kaalaman.
Sa panahong ito isinilang si Bren, isang estudyanteng walang soul form sa Soul Sacred Academy. Dahil sa kanyang kahinaan, siya'y inapi at muntik nang mamatay sa kamay ng kapwa estudyante. Sa kanyang pagkawala ng malay, napadpad siya sa dimension ng kanyang isipan, kung saan nagpakita ang isang matandang lalaki isang gabay na bahagi ng kanyang sariling alaala.
Doon, natanggap ni Bren ang Soul Stone of Wisdom at ang Shadow Tome, mga bagay na may ugnayan sa mga lihim na iniwan ng mga pinalayas mula sa mundo ng pinagmulan. Sa kanyang paggising, nagsimula ang landas na maglalantad sa katotohanang matagal nang itinago ng kasaysayan.