ulan ng tinta,
'di galing sa langit
kundi sa ating isip,
puno ng sakit.
sa ulo't sa puso,
nakakadena ang mga ala-ala,
naroroon ang tayo sa langit, nakapaskil sa mga tala.
hindi man magkaroon
ng tayo muli,
ako pa rin ay nagdarasal,
ito pa rin ay mini-mithi.
kahit hindi ngayon,
kahit sa susunod na buhay,
kahit doon na lang magkatotoo,
ako pa rin ay maghihintay.
filipino poetry collection ©️ @caseyevangelista9 2019
book cover ©️ @sarangchuseyo 2019
Todos los derechos reservados