Madalas natin mabasa sa mga fiction story na ang lalaki ang sumasagip sa bidang babae. Ang lalaking bida ang may cold personality. Ang lalaking bida ang nambu-bully sa bidang babae. Aminin natin, mas nakaka attract kasi talaga ang lalaking misteryoso at may cold na personality. Pero what if... What if... Maging baliktad ang lahat?
Berde ang dugong dumadaloy sa ugat ng isang Wayde Rylant Morton. Iyon ang pinanghahawakan niyang katotohanan na madalas sinasabi ng mga malalapit na tao sa paligid niya. Ngunit hindi niya alam kung 'yon ba talaga ang katotohanan. Dahil kahit kailan ay di niya pa naramdamang ma attract sa kapareho ng kasarian niya. Kaya minsan napapatanong siya sa sarili kung ano ba talaga siya.
Hanggang dumating ang isang taong humula kuno sa kataohan niya sa unang pagkikita nila. Pinilit nitong ipamukha sakanya na bakla talaga siya sa unang pagkikita pa lang nila. Mas lalong dumagdag sa inis niya ng malamang isa ito sa may mataas na tungkulin sa paaralan nila. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit kapag nakikita niya ito ay kumukulo ang dugo niya at naiinis siya. Ngunit habang tumatagal ang inis na nararamdaman niya kapag nakikita ito ay napalitan. Nagiging komportable siya kapag nasa tabi niya ito. Na para bang walang mangyayaring masama sakanya kapag ito ang nasa tabi niya.
Ngunit, may pinaka ayaw na bagay siya sa taong ito. Ang ugali nito na hindi mawari. Ang mga titig nito na parang may gustong ipabatid ngunit hindi mo mahulaan. Ang mga mata nitong parang may nakatagong madilim na katotohanan sa katauhan nito. Ang taong magsasampal sakanya sa katotohanang 'hindi porke't gusto mo ay dapat gusto ka'.