Bilang isang artist, kailangan kong hanapin yung inspirasyon ko sa bawat ginagawa ko. Yung tipong kailangan kong magpahangin, aliwin yung sarili o kaya mag travel para sa inspirasyon dahil kailangan ko yun sa bawat artworks na ginagawa ko. Yung kay Audrey Hepburn? May isang resto sa maginhawa na pop art portrait niya yung ginawang wallpaper. Naisip ko na para naman maiba, gumamit ako ng stippling effect sa pag gawa ko sakanya. At dun ko na realized na wala akong originality at kailangan ng matinding inspirasyon para makagawa ng sarili kong concept. Naisip ko na ano ba ang pwedeng gawin para humanap ng panlaban na inspirasyon, yung gigising sa natutulog kong kaluluwa. Sabi nila try ko daw yung hindi ko pa ginagawa, yung magmahal... (Disclaimer: All of the characters, names, places/location, business, events and other stuffs are just a fiction. So, read this with your imagination, and imagine my imaginations. LOL.)