May isang lugar kung saan nahahati ang bilang nang mga bampira at tao. Ngunit ang mga tao dito ay mga Butler. At ang mga bampira din dito ay namumuhay na parang tao. Hindi sila nag aaway, dahil meron silang kaisa-isahang rule sa lugar nila. Ito ay ang bawal ang magpatayan laban sa isa't-isa. May isang lalake at babae sa isang lugar, ang lugar na Enchanta. Sila din ay may pag-aaring eskwelahan. Na nagngangalang Colminar University. Ang babae ay may APAT na anak. Nung siya'y nagbubuntis pa lamang, ay hiniling niya na sana ang una nilang anak ay babae. Ngunit lalake ito, at sa sumunod pang tatlong anak niya ay ito ay lalake lahat. At habang ang mga anak niya ay lumalake, kasabay din nito ang pagiging pasaway nang kaniyang nga anak. Kaya siya ay napagpasiyahan ng mag asawa na kumuha ng tagabantay nila. "Tandaan, hindi lahat ng kwento ay dapat paniwalaan. At kada sabi-sabi, ay may maling naihahabi."