Si Euphoria Ada ay isang Grade10 student pa lamang, kaya naman hanggang ngayon tinatanong pa rin niya sa saril niya kung tama ba ang definition niya, dahil na rin sa boyfriend niyang si Terrence, para sakanya ang pag-ibig ay isang laro na hindi ka palaging mananalo, madalas upang manalo kayo kailangan may mag sakripisyo, at alam na alam niyang ayaw niyang ang iba ang mag sakripisyo. Ngunit paano kung isang araw makakilala siya ng lalaking ipaparamdam sakanya ang kakaibang pagmamahal, ang pagmamahal na mas higit kasya sa nararamdaman niya kay Terrence, pagmamahal na alam mong totoo at hindi ipinagdadamot sa iyo. Tunghayan ang kwento ni Euphoria, sa kanyang pagtuklas sa kahulugan ng pag-ibig.