Kung gusto mo hindi ka dapat nasasaktan. Mga katagang paulit ulit na pumapasok sa aking isipan. L O V E Apat na lettra na kung iisipin mo ay walang kayang gawin sa isang tulad mo. Mali... yang apat na letra na yan ang nagpapahirap sa akin buhay simula ng bata pa ako. Marahil iniisip ng ibang tao na kulang ako sa pagmamahal. Maaari ko bang sabihin na oo? Apat na lettra isang salita na pilit nanghihimasok sa aking buhay. Tanga ba akong matatawag kung sasabihin kong HINDI AKO MARUNONG MAGMAHAL.