Minsan sa buhay natin mararanasan nating malihis ng landas, lalo na bilang isang kabataan. Ang sarap kasi ng bawal, hindi ba? Ang saya, nalilimutan ko ang problema ko, parang tumitigil ang oras at ang meron lang ay saya. Kaya naman kahit alam kong mali, itinuloy ko, pero habang patuloy ako sa maling landas ay unti-unti kong nabitawan ang pagkatao ko , naisuko ang mga bagay na hindi ko man lang naipaglaban. Hanggang sa narating ko ang dulo, narating ko ang dulo ng ako na lang mag-isa. Iniwan nila- ah mali, iniwan ko sila. Walang ng ibang daan kung hindi ang pabalik, at sa dahan-dahan kong pagbalik. Wala akong ibang madaanan kung hindi mga kamalian kong nagawa..
Ako si Mia, isang drug addict.