"Tignan mo. Ayaw mong sabihin saakin ang ability mo. At ganun din ako. Sa tingin ko, tama lang na walang nakakaalam ng ability ng isa't isa kasi hindi pa natin ganun pwedeng pagkatiwalaan ang isa't isa" "Bakit? Sa tingin mo ba hindi ako mapagkakatiwalaang tao?" "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Sa tingin mo ba mapagkakatiwalaan ka ng mga tao?" /// Ito ay storya ng isang lalaking akala niya yun na pala yun. Akala niya doon matatapos ang lahat. Akala niya wala na, tapos na, finish na. Pero ang hindi niya alam may mas maganda pa palang mangyayari sa buhay niya. Korni man ang storya na ito, pagtyagaan na. Ito ang storya na akala mo sila na ang magkakatuluyan pero... Maiiwan ba siya ulit tulad ng pagiwan sa kanya ng magulang niya ng isang sumpa? Isang kay pait na sumpa? Makakawala ba siya sa sumpa nito? Paano? ~~One-Shot~~