Humikab ng malalim si Ed ng maramdaman niyang may umuungol sa isa sa mga cubicle ng banyo. tumigil siya sa pagihi sabay labas sa cubicle ng pinagihian niya. "Haaayyy ... yan nanaman hindi ba kayo nagsasawa?" . Eeerrkkk... Biglang sumilip ang matandang sobrang puti na may nakasaksak na screwdriver sa kaliwang mata sa isang cubicle sa banyo. Duguan at halos matapyas na ang kanang pisngi ng matanda dahil sa kagat ng isang zombie. "Rrrwwaaaa!!!!" . Pasigaw na sambit ng matanda. SSQQQSSSHHKKK!!! Pumitik ng daliri si Ed kasabay nito ang pagsabog ng ulo ng matanda. Nagkalat ang dugo sa sahig at sa salamin ng banyo pati ang damit ni Ed nalagyan din kaya napa buntong hininga na lamang siya. "Grabe naman talaga tong buhay nato". sabay punta sa faucet ng banyo at linis ng kanyang tshirt. " TULOOOONG!!!! ". Isang malakas na hingi ng tulong ang narinig ni Ed kaya madaling pumunta siya sa bintana ng banyo upang makita ang sumisigaw sa labas. " Aileen?! ". Biglang nasambit ni Ed sa kanyang sarili ng makita niya ang isa sa mga pinaka magandang babae sa university na pinapasukan niya. hinahabol ang babae ng halos bente na zombie at mukhang malapit na itong mahuli. Hindi siya nagdalawang isip at binuksan niya ang bintana ng banyo. Nasa ikasampung palapag siya ng isa sa mga building ng university nila, Agad siyang tumalon at finocus ang kanyang sarili sa mga susunod niyang gagawin. " Ok tutal zombie apocalypse naman siguro pwede ko ng gamitin buong kapangyarihan ko, wala naman siguro pakielam mga tao ngayon at wala din naman makakakita.. sana". Umangat ang katawan ni Ed at parang isang tunay na anime character na pinapanuod niya lumipad siya papunta sa hinahabol na babae para kanyang iligtas.All Rights Reserved