Nagulat si Ligaya aka Jaya nang ipatawag sya ng kanyang boss at sabihing kailangan nyang pumunta ng ibang bansa upang maging tagasilbi ng isa sa mga may ari ng mismong tinatrabahuan nya. At wala syang ibang choice kundi ang sumunod. Ngunit nalaman nyang ang kanyang magiging boss ay hindi lang pala mayaman. sikat din ito kilalang sa buong mundo at higit sa lahat ubod ito ng gwapo. At hindi maganda ang naging una nilang pagkikita na syang naging dahilan ng kanilang di pagkakasundo at sya rin palang dahilan ng pagpapahirap nito sa kanya. Ngunit sa kabila ng pagpapahirap at pagsusungit ng lalake sa kanya ay hindi nya maintindihan ang sarili sa bawat araw na kasama nya ito. Sa tuwing nakikita nya ito bumibilis ang tibok ng puso nya. And suddenly she realized that she's starting to fall in love with her boss at hindi yun maari! Hindi sya nito mamahalin gaya ng pagmamahal nya dito. Dahil katulong lamang sya nito at hindi sila nababagay para sa isa't-isa. Kaya ginawa nya ang lahat para supilin ang kanyang nararamdaman para sa lalake. Ngunit paano sya magtatagumpay kung palagi nya itong nakikita at nakakasama? At paano nya iiwasan ang binata kung ito mismo ay lapit ng lapit sa kanya. Ano ang gagawin ni Jaya? -PLEASE READ THE WHOLE STORY