Sa mundong ito, merong dalawang taong pinag tagpo, o mas tamang sabihing pinag tagpo muli ng tadhana.
Ang kanilang tahimik na mundo ay naging maingay, kakaibang ingay. Madalas hindi sila magkasundo, hindi mawawala ang asaran, initan, minsan awayan. Ngunit di rin maikakaila na sa asaran, initan at awayan ay may nabuo ring tawa, saya at ngiti sa kanilang mga labi.
Hanggang sa isang araw ay nagising na lang silang kapwa hinahanap ang preaensya isa't isa, pakiramdam nila hindo kumpleto ang araw nila tuwing hindi nila nakikita ang isa't isa. Walang kamalay malay na nahuhulog na pala sila sa isa't isa.
Pero paano kung..paano kung wala pa namang "sila" na nabuo ay may hadlang na?
Kung ikaw ang isa sa kanila, ano ang gagawin mo?
Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo? o hahayaan mo na lang?
Isang takot magtiwala at magumpisa.
Isang takot makasakit at bumalik.
At isang takot lumaban.
Hanggang kailan ka matatakot?
Anong kaya mong gawin at kalimutan para maging masaya?
Mananatili ka na lang ba takot at magisa?
Sino ka sa kanila?