Eros Academy, bagong eskwelahan para kay Zanra Dee Heriales. Inaasahan niya na magiging tahimik ang pamumuhay niya dito. Iniwan niya ang magulo at maingay niyang mundo sa siyudad sa pagnanais na makatakas sa sakit at pait na dala ng buhay doon. Sa paglipat ng eskwelahan ay may nakilala siyang mga bagong kaibigan na 'di kalauna'y kaniyang magiging karamay. Hindi mawawala ang mga kaaway na magpapahirap sa huling taon niya bilang Junior High School student. Ang inaakala niyang lugar na nilipatan niya ay siya palang magiging daan sa mga kasagutan na hindi niya inaasahang hahanapin niya. Mga kasagutan na papawi sa sakit at hinagpis na naranasan niya noon. Ngunit ang mga kasagutan na iyon ay siya rin palang magdadala ng panibagong dagok sa buhay niya. Ang nabuong samahan ay maapektuhan at ang taong kanyang minahal ay masasaktan. May pag-asa pa nga bang siya ay sumaya kung ang mismong kasiyahan niya ang nagbibigay ng sakit at kirot sa puso niya?