Akala ko ang pag-ibig ay parang nota ng musika, minsan sharp,minsan flat at minsan sakto lang. Pero hindi pala, dahil ang pag ibig ay parang isang gitara, sa una masarap ang ritmo ng musika ngunit sa kabila ng saya ay nasasaktan na pala ng daliri mo sa pag tipa ng ibat-ibang mga nota. Isang gitara na habang tumatagal nagiging sintunado na at ang tanging paraan lamang upang lisanin ang hapdi dulot ng sirang gitara ay itapon na o 'di kaya at palitan na. Ako si Rain Garcia at maari ninyo akong samahang tipahin ang ibat-ibang himig ng aking buhay pag-ibig. Date started : June 8, 2020 Date Ended : *** **, ****