"hoy Babae'' - bungad ko sa kaibigan kong ang kapal ng lipstick. saan nanaman kaya to pupunta? "Oh?" - anito sabay hawi ng buhok. agidaw. "san ka nanaman lalandi ha?" - Tanong ko sakanya, lumapit naman siya sakin sabay bulong. "secret" - napahampas naman ako sa likod niya ng malakas dahilan ng pagsigaw nya. "aray! tangina naman!" - daing nya, tinarayan ko naman siya at nilagpasan. dumiretso naman ako sa sala kung saan andoon yung iba pa naming kaibigan. "tanginang mukha yan" - ani ate ella sabay subo ng chips. napa irap naman ako. hays, kainis kasi. "nyare sis?" - tanong naman sakin ni Brigette. umiling iling naman ako. "kunwari pa." - natatawa niyang ani, nakita ko naman si beverlyn na busy sa kakacellphone. naupo naman ako sa tabi niya at sabay hablot sa cellphone niya. "ano ba?! akin na yan! may kachat ako e! para namang gago!" - urat niyang sabi. hinagis ko naman ang cellphone nya. "HAHAHAHAHA gago!" - tawanan ng iba naming kaibigan. tumingin naman ako sa pinsan ko. "ano lalandi kapa?" - mapang asar kong tanong. nakita ko namang may namumuong tubig sa mga mata nya.