SYNOPSIS: Kailangang kainin ni Kanlaon Mortel ang mga natitirang limang diyos sa Pilipinas. Yehey! Sounds exciting, right? Pero ang kapalit nito ay mabubura lang naman siya sa mundo kapag hindi nagawa. Kasama ang mga nakasalubong niyang mga kaibigan, maglalakabay sila sa buong Pilipinas at pupuntahan ang mga nakatagong mga diyos. Makakakita sila ng mga iba't ibang nilalang at hihingi ng tulong kung ano ang kailangan nilang gawin. May tikbalang na mga nagbabalat kayo bilang isang tao na mukha pa ring kabayo, may mga mananaggal na announcer sa may palengke. May dalawang libong palapag na hotel ng mga nilalang sa Pilipinas. May mga puno ng balete na isa palang portal. At marami pang iba.
Mais detalhes