~LOVE STRANGER~ Synopsis: Si Everleigh Vana Beaumont ay isang babaeng masungit, maldita at higit sa lahat ay maganda at pinagpala ng perpektong hubog ng katawan. Maraming nagkakandarapa sa kanya ngunit wala lang syang paki sa mga ito. Hindi maganda ang kanyang pag-uugali. Laging mainitin ang ulo at mahilig din umirap. Ang sanhi ng bad behaviour ay minsan sa mga bad influence na mga tao. Kaya nagkakaroon ng hindi magandang pag-uugali ng isang tao ay dahil ito ang nakakasanayan o ito ang natitingala. Marahil ay nagagaya lamang ito kaya nakakasanayan narin. Pwede rin namang dahil sa karanasan, kung may masamang karanasan ang isang tao ay pwede syang magbago. Kahit gaano pa kasama ang tao ay hindi maitatangging may kabaitan din namang lalo na't pagdating sa mga taong mahal nito. Si Vana ay masungit at maldita na since birth pero dahil sa karanasang iwan o lokohin ng mga taong una nyang pinagkatiwalaan at minahal ay mas lalo lang nag-improve ang ugali nya. Iyong feeling na nawalan na sya ng tiwala sa buong paligid. Si Jackson ang tanging kaibigan na natira sa kanya. Ang tanging taong makakaintindi sa kanya. Ang taong hindi nagsasawa sa kanya. Ang totoo ay may gusto si Vana sa kaibigan. Muling nahulog ang loob nya sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal nya. Dahil ang taong gusto nya ay may mahal ng iba at hanggang kaibigan lang talaga sya. Isang araw ay pumunta sila ng Island. Doon nya makikilala ang lalaking mamahalin sya ng buong puso at tatanggapin kung anong merong paguugaling meron sya. Basahin ang buong kwento upang malaman mo ang kanilang pag-iibigan. "The more you hate the more you love." Shinomiya ❤️ Shoky PAKATUTUKAN PO ANG KWENTO! MARAMING SALAMAT! ©️All Rights Reserved Posted: July 28, 2020