Summer nanaman. Panahon kung saan ang mga tao ay nagsasaya kasama ang kanilang mga pamilya. Maliban kay Celestine Porta. Imbes na pamilya niya ang kasa-kasama ay ang matalik nitong kaibigan ang kasama ngayong bakasyon! Masaya naman siguro, hindi ba? Tutal, mas kilala nila ang isa't-isa, o baka hindi naman talaga? Sirang sasakyan at kawalan ng signal kaya ang magbibigay daan upang mabuklat ang tinatagong lihim ng isa? Kaibigan nga lang bang masasabi ang isang tulad ni Joseph Braga o maaaring higit pa?